Mabibiyayaan ang mga Pinoy athletes na kumamig ng medalya sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam. Katunayan, makatatanggap sila ng cash bonuses mula sa gobyerno. Sa pamamagitan ng PSC, mabibigyan sila ng cash incentives.Ayon kay PSC Komi at Team PH chef de mission Ramon Fernandez, inaasikaso na ng ahensiya ito.
“Isinumite na natin yung complete line-ups ng mga athletes na nanalo ng medals. Na kay chair of the Senate Committee on Sports Bong Go na,” ani Fernandez.
Pag narepaso na ang list ng mga medalist, ipapasa naman ito ni Sen. Go kay president Duterte. Nagtapos ang bansa sa fourth overall sa kabuuang 11 participants.
Humakot ang Pilipinas ng 51 gold, 71 silver at 106 bronze medals. Overall champ naman ang host Vietnam. Kumamig ang bansa ng 206 gold, 126 silver at 114 bronze.
“President Duterte handed out additional cash bonuses to the athletes in the previous SEA Games. The President might surprise them again,’’ pahayag pa ni Fernandez.
Tradisyon na kay Pangulong Duterte ang pagkakaloob ng cash gifts sa mga medal winning athletes. Kabilang na ang nakakuha ng medal sa SEA Games, Asian Games at Olympics. Na ang mga ito ay pawang sangayon sa nakasaad sa batas. Ito’y sa ilalim ng Republic Act No. 10699, o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.
Ang atletang nakakuha ng gold medal sa SEA Games ay makatatanggap ng P300,000. Magbubulsa ng P150,000 ang silver at P60,000 naman sa bronze medalist.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!