
NAGNANAIS na muling tumakbong senador sina dating Senator Vicente Sotto III, Panfilo Lacson at Manny Pacquiao para sa 2025 elections bilang bahagi ng administration slate.
Ayon sa source, maaring sumama sina Senator Lito Lapid at Senator Pia Cayetano sa mga dating senador sa senatorial lineup na inaasahang pangungunahan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang partido ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nagpahayag din si Makati Mayor Abby Binay, na sumali kamakailan lang sa Nationalist People’s Coalition (NPC), na balak niyang tumakbong Senador.
Lumagda ang NPC at PFP sa isang alyansa para sa 2025 elections.
Kinumpirma ni Pacquiao na tatakbo siyang muli sa pagka-senador, habang nanahimik ang kanyang dalawang kasamahan kaugnay sa kanilang plano.
More Stories
ISKO, SV, IBA PANG KANDIDATO, PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC SA UMANO’Y VOTE BUYING
DZRH Reporter sa Baguio, Binantaan umano ng Mayor ng Abra
Lalaki sa Antipolo binaril sa ulo, tigok