November 3, 2024

PING LACSON HINDI MAGDEDEKLARA NG MARTIAL LAW


Sinuguro ni presidential aspirant Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hindi siya magdedeklara ng martial law kapag nahalal bilang susunod na pangulo.

“Definitely, democracy will preserved. Walang martial law, walang dictatorship,” ayon kay Lacson.

Paliwanag ni Lacson, nilinaw na sa Konstitusyon ang kahulugan ng martial law at mga probisyon na nakapaloob dito sakaling kailangang ipatupad sa bansa, para magkaroon ng klarong mga pamantayan at restriksyon na sisigurong hindi ito maabuso.

“May limitasyon ang deklarasyon ng martial law as if there is no martial law. Kasi, first, 60 days lang, ano—ibabalik ang Congress. Pagkatapos the Bill of Rights are well-entrenched. Hindi magagalaw. Hindi puwedeng mang-aresto ng maski sino maski merong martial law,” pahayag ni Lacson.

Una nang giniit ng kampo ni Lacson na hindi mauulit ang martial law sa kanyang pamumuno, salungat sa akusasyon ng kanyang mga kritiko na inililigaw ang mga Pilipino sa naging partisipasyon niya rito bilang dating intelligence officer ng gobyerno.

“If we go back in our country’s history, ironically, it was a UP-trained lawyer-turned-president who was the first to declare martial law; an economist-trained female president, who declared a state of emergency; and only recently, another lawyer-turned-president who declared a Mindanao-wide martial law,” pahayag ng spokesman ni Lacson na si dating Rep. Ashley ‘Ace’ Acedillo nitong Enero.

Dagdag ng senador na tintiyak niya na mananatili ang demokrasiya sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.