Ibinunyag ni Manila City Mayor Isko Moreno ang ilan sa mga plano niya kung siya ang palarin na manalo sa pagkapangulo kasama na dito ang paglalagay ng isang ‘anti-corruption czar’
Nitong February 16, ibinunyag niya na napupusuan niya ang kapwa niya kandidato sa pagkapangulo na si Sen. Ping Lacson na maging kanyang anti-corruption czar na lalaban diumano sa kurapsyon sa ilalim ng kanyang administrasyon.
“For example, si Sen. Ping Lacson. Isa siyang asset of the country, that I guarantee. May particular skill set siya na kapaki-pakinabang para sugpuin ang suliranin ng ating bansa. Kailangan ko ng qualities ni Sen. Lacson to address corruption and discipline,” ani Moreno sa panayam sa kanya ng mga reporter sa Los Baños, Laguna.
Nagpasalamat naman si Lacson sa sinabing ito ni Moreno ngunit pinaalalahanan ng senador ang alkalde na hindi pa tapos ang eleksyon.
“I like to thank the kind mayor, but I intend to win so paano niya ako i-aappoint kung ako ang mananalo?” sagot ni Lacson.
“Thank you kay Mayor, ina-acknowledge niya yung kakayahan natin para ma-address yung corruption, that is enough for me na pasalamatan siya,” dagdag niya pa.
Sa ngayon ay wala pang sagot si Moreno sa sinabi sa kanya ni Lacson.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna