November 23, 2024

PINEAPPLE WORKERS IBALIK SA TRABAHO (Sibakan sa Dole Philippines)

DAAN-DAANG pineapple at banana workers na ilegal na tinanggal sa trabaho ang nanawagan ng reinstatement at libo-libo pa ang umapela sa Japanese top executives na ihinto ang illegal retrenchments sa mga manggagawa ng Dole Philippines Inc. sa Polomok, South Cotabato.

Ang Dole Philippines ay nakuha ng Japanese firm Itochu Corporation mula sa Dole Food Inc. noong 2013.

Nagsimulang magkaroon ng kaguluhan noong Setyembre 15 sa planta dahil sa nangyaring spot termination ng 478 regular na empleyado na hindi makatarungan at sa gitna ng patuloy na pagkuha ng mas maraming contractual workers mula sa manpower cooperatives.

Ang walang awang retrenchment na ito ng Dole sa isang monocrop economy tulad ng sa Polomok ay untimely at unconscionable. Alam naman ng pamunuan na walang naghihintay na trabaho sa mga retrenched workers kapag sila ay tuluyang natanggal. Ang upstream at downstream ng ekonomiya ng mga bayan at siyudad na nakatayo sa paligid ng plantation operations ay lubhang mahina sa pagtatangka ng korporasyon na ibaba ang sahod at artipisyal na ibagsak ang karapatan ng manggagagawa.

Bale-wala ang epekto ng pandemya at hindi maaring gamitin ng Dole Philippines Inc upang bigyang katwiran ang lay-off sa kabila ng malakas nitong pag-export sa merkado. Malalim ang bulsa ng mga korporasyon at ang nangyayaring kaguluhan na iniuugnay sa pandemya ay isang panlilinlang lamang.

Ang naturang termination ay doble pasakit sa iba’t ibang manggagawa na mawalan ng kabuhayan dahil sa patuloy paglubog ng ekonomiya sanhi ng pandemic lockdown.

“In seeking redress, sacked employees sought the help of the labor federation Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) and asked it to represent them in the government mediation and conciliation mechanism in the hope that they be reinstated back to work,” ayon kay Sofriano Mataro, ALU Regional Vice President for Southern Mindanao Region.

Lumapit din sa labor federation ang iba pang disenfranchised na empleyado upang maiparating ang kanilang hinaing sa Itochu Corporation top executives na itigil ang ilegal na pag-lay off sa mga regular na manggagawa sa Polomok.

“The relative Dole Philippines’ labor-management shared industrial peace was broken by these unlawful termination and disrespect to the workers right to legally organize a union and negotiate for better wages and benefits. While employees still have hope with top management officials, we urge the Dole top executives to respond and  intervene by ordering a stop to the unlawful termination, reinstate illegally laid off employees and ensure the workers’ right to form a union and collectively bargain before the situation become worse, ”  wika pa ni Mataro.

“Dole Philippines profited immensely from our workers here. It is also time for them to restrain greed in the name of plain decency,” dagdag pa nito.

Sa halos 20,000 mga manggagawa sa plantasyon at cannery habang nasa rurok na operasyon, ang Dole Philippines Inc. ay ang pinakamalaking tagagawa at nagmemerkado ng kilalang pinya at mga sariwang prutas, juice at by-product sa US, Middle East, Japan, China, Korea, Australia at New Ang Zealand sa pamamagitan ng 16,000 hectares ng mga plantasyon ng pinya at saging at mga canneries na matatagpuan sa South Cotabato.

Ito ay isang ginant multinational na hindi nawawalan ng pera hangga’t ang agricultural export market ay nanatiling buhay. Sa loob ng 15 taon malaki ang naging kita ng Dole Philippines dahil sa labor productivity ng kanilang mga manggagawa