
Pupunta sa US si Pinay skateboarder Margie Didal para sumalang sa Tokyo Olympics qualifying meet. Siya’y sasampa sa Iowa De Tour sa May 7 hanggang 23 sa Des Moines.
Pagkatapos nun, sasabak naman si Didal sa Rome, Italy para sa World Championship 2021. Kapag nanalo, papalaot siya sa Tokyo sa July.
“We wish Margie Didal well,”Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez sa isang online media briefing.
Batay pa sa ulat, kahit di siya mapabilang sa Top 3 sa Rome, may pag-asa pa ring makasampa sa Olympics.
Ito’y kapag na maintain niya ang pagiging current no.14 rank sa mundo.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT