December 24, 2024

PINAY SA WNBA, PINOY SA NBA, MALAPIT NA!

ISANG higanteng hakbang na lang ay matutupad na ang pinakapangarap ni Chanelle Molina – ang makapaglaro sa ultimong ambisyon ng lahat ng women cagers – ang WNBA.

Ipinanganak ng Filipino parents sa  Island of Hilo, Hawaii, si Molina ay ipinagmamalaki ang kanyang pinanggalingang kultura na ngayon pa lang magkaka-produkto ng manlalaro na kanyang kakatawanin sa naturang   top flight women’s league sa larangan ng  basketball.

Dala niya psreho ang lahi at lipi bilang Filipina at Hawaiiana ng buong pagmamalaki sa kanyang pag-entra sa roster ng Indiana Fever sa Women’s National Basketball Association.

  “I’m very excited to represent my culture in the league.To be the first WNBA Filipina basketball  player and coming from Hawaii, I’m also representing that side of culture with pride”, pahayag ni Molina  sa panayam ng  international media.

“It’s an honor to be that role model for all those  aspiring to be in my position and wanting to play  in the high level and I’m glad to be representing my community.”

Si Chanelle na graduate ng Washington State University women’s basketball program, ay lumagda na kamakailan  ng training camp contract  sa Indiana Fever kung saan ay  pasakalye na ito ng kumpetisyon sa upcoming WNBA season.

 Si Molina , na ang  roots nito ay mula sa Quezon City at Ilocos Norte sa Pilipinas ay kasalukuyang naglalaro pa sa kanyang  first professional  basketball season  sa Norrkoping Dolphins bilang  key player sa Basketligan dam- top professional women’s hoops league sa Sweden at tatapusin niya ang season bago  siya papasok sa  Fever para sa  training camp.

Habang ang Filipino towering cager na si Kai Sotto ay kumakatok na sa pintuan ng NBA at si  Molina sa WNBA, buong kagalakan ang basketball -loving Filipinos maging mga Hawaiians  sa pagkakaroon ng  kanilang kababayan bilang unang  Pilipino na makalalaro sa mundo ng bigtime basketball sa kasaysayan na halos abot-kamay na ang pangarap.

 Magiging realidad na rin ang dati ay panaginip lang… ABANGAN!