November 18, 2024

Pinay riders tumalas ang talento sa harurot sa 10-stage Vietnam Biwase race

NAGPAHAYAG ng kanyang buong suporta si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa isang panukala na naglalayong dagdagan ang school supplies allowance ng mga guro.

Pinuri ni Dela Rosa si Senador Bong Revilla, Jr matapos isponsoran ang Senate Bill No. 1964 o Kabalikat sa Pagtuturo Act nitong nagdaang Miyerkoles.

Sa ilalim Kabalikat sa Pagtuturo Act, bawat pampublikong guro ay makakatanggap ng P7,500 supplies allowance para sa School year 2023-2024 at P10,000 pesos par sa 2024-2025.

Itaas naman ito kada tatlong taon para tumugon sa pabago-bagong presyo ng teaching supplies.

Ang nasabing halaga ay kukunin mula sa pondo ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).

Sa kasalukuyan, ang isang public school teacher ay nakakatanggap ng P5,000 na halaga ng teaching supplies allowance na katumbas ng P25 kada araw.

May pagkakataon naman ang mga guro ay nag-aabona pa dahil sa kakulangan ng ibinibigay sa kanilang supplies allowance.

“Sa tingin ko, matagal nang tinitiis ng ating mga guro ang pag-iisip na ‘kaya naman, napagkakasya naman.’ Wala na palang chalk dito sa classroom ko, bibili na lang ako. Wala na palang pang-internet ang aking estudyante, bibigyan ko na lang. At iba pang mga pangangailangan na sa tingin natin ay ‘maliit na bagay,’” sambit ni Dela Rosa.

Sabi pa ng senador, katulad din ng mga gurpo ang mga miyembro Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagtitiis sa napakaliit na subsistence allowance na P150 lamang kada araw.

“Of course, as a former soldier and police officer myself, I know that this is not impossible. But if I were a lay person, I would not be able to imagine how a meager P150-peso allowance can account for an entire day,” saad ni Dela Rosa, dating Philippine National Police (PNP) chief.

“How such an amount can account for the survival of those responsible for securing the safety of our country in general, and our communities in particular. And yet, we have made it work, Mr. President. Lagi namang napagkakasya.

“At some point, Mr. President, the ‘napagkakasya naman’ mentality prevents us from providing the best services, especially when the truth of the matter is, those responsible for educating our children and youth deserve nothing but the very best from us,” dagdag pa niya.