January 4, 2025

PINAY OFW NATAGPUANG PATAY SA KUWAIT

BANGKAY na nang matagpuan ang isang Pinay sa Kuwait na nawawala matapos ang halos dalawang buwan, ayon sa Department of Migrant Workers.

Limang taon nang nagtatarabaho sa Kuwait ang pinaslang na OFW na si Dafnie Nacalaban. Sinabi ng kanyang employer na hindi na ang biktima noong Oktubre, na halos kapareho ng huling pagkakataon na nakausap siya ng kanyang pamilya, ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac.

Naaagnas na nang matagpuan ang mga labi ng Pinay sa loob ng bahay ng isang Kuwaiti citizen noong Disyembre 31, matapos isuko ng kanyang kapatid ang sinasabing salarin, ayon sa ulat ng mga media.

Hindi pa malinaw ang relasyon ng suspek sa biktima at kung kailan nangyari ang pagpatay.

“Tayo ay nakikipag-coordinate. Mayroon tayong abogadong nakatutok sa kaso at nakikipag-coordinate sa Kuwaiti prosecution para malitis, mausig, at magkaroon tayo ng hustisya sa kaso na ito,” dagdag ni Cacdac.

Maraming OFW ang pinaslang sa Kuwait sa mga nakaraang taon, kabilang na si Jullebee Ranara na natagpuang sunog sa disyerto, at Joanna Demafelis na ang katawan ay ipinasok sa freezer.