IBINUHOS ang buong lakas ni Kim Mangrobang ng Pilipinas upang maidepensa ang kanyang women’s crown sa duathlon event ng 32nd Cambodia SEAGames kahapon sa Kep Beach Resort.
Nakuha ng three- time SEAGames triathlon champion na si Mangrobang ang momentum matapos ang shaky start sa run event,sa 20 km ng bike leg at mula doon ay walang lingon – likod na kinaripas ang 20 km run finale upang iwagayway ang bandila ng Pilipinas para sa gintong medalya.
Isinumite ni Mangrobang ang winning time nitong 1:04:13,5 para sa ginto sumegunda si Puong Trinh Nguyen ng Vietnam (1:05: 13.5)) habang tersera naman si Maharani Wayuninght(1:06::7.4) ng Indonesia.
Tatangkain ni Mangrobang ang makaapat na sunod na gintong medalya sa women’s triathlon ngayon at pinaka- mapanganib na katunggali nito ang naturalized triathlete ng Cambodia na si Margot Marabedian mula France.
Naka-silver naman ang Cebuano athlete na si Andrew Kim Remolino sa men’s aquathlon.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!