December 25, 2024

PINAY FENCER SAM CATANTAN, BIGO SA AMERICAN OPPONENT, MAGPO-FOCUS SA OLYMPIC QUALIFYING TILT SA UZBEKISTAN

Nagwakas ang seven-match winning streak Pinay fencer Sam Catantan. Nabigo siya kay American May Teiu, 15-8 sa round-of-32 sa 2021 World Cadets/ Juniors Fencing Championship sa Cairo, Egypt.

Nagtapos din ang 19-anyos na produkto ng University of the East sa 20th overall sa naturang annual event.

Bilang 17-year-old participant noong 2019, pumuwesto si Catantan sa 16th overall sa cadets category ng torneo. It ang naging ticket niya upang makasali sa Penn State team.

Gumawa ng history si Catantan noong Pebrero nang maging unang homegrown Filipino na nakapaglaro sa Division 1 school sa US NCAA.

Nakalista siya rito ng undefeated 20-0 record sa pool play ng event. Kung saan, inukupahan niya ang No.1 spot sa semifinal round.

Sa ngayon, ang focus niya ay ang Olympic Qualifying Tournament (OQT) para sa Tokyo Olympics sa Tashkent, Uzbekistan.

Makakasama niya ang limang members ng national team sa torneo na idaraos sa April 26 hanggang 27.

Kabilang na rito si US-based Annika Santos, Daena Talavera,Lance Tan at Jian Miguel Bautista.