December 24, 2024

Pinay boxer Irish Magno, naglunsad ng fund-raising drive para sa biktima ng bagyo

Napasama si Pinay boxer Irish Magno sa listahan ng mga mababait na olympic bound sports celebrity. 

Ito’y matapos niyang mag-organisa ng kanyang sariling fund-raising drive para sa mga biktima ng bagyong "Ulysses."

Sa kanyang post sa Facebook, hinimok ng 29 na taong gulang ang mga mahilig sa boksing, na suportahan ang kanyang programang "Boxing Class for A Cause".

Na naka-iskedyul sa Sabado sa FitStart Gym sa kanyang bayan na Janiuay, Iloilo.Dito rin nagsasanay si Magno para sa Tokyo Olympics sa panahon ng pandemya.

Ang admission fee ay nasa P100 at ang lahat ng malilikom ay direktang mapupunta sa mga nasalanta ng bagyo.

 “Gusto ko po talagang makatulong sa mga biktima ng bagyo. Naisip ko po na mag-conduct ng class, hindi lang po ako makakapag-share ng kaalaman ko sa boxing, makakatulong pa po ako sa mga naapektuhan ng kalamidad,” aniya.