SA pag-excile ng mag-asawang Ferdinand at Imelda Marcos, dahil sa People Power na naganap sa Pilipinas. Iniwan ni Ms. Imelda Papin, ang matagumpay niyang singing career sa ating bansa.
“Kasikatan ko na nang mag-join akong umalis ng Pilipinas, maraming nanghihinayang sa lagay ng aking singing career that time. Pero kahit masakit sa puso ko, tinabi ko muna iyon at piniling ipaglaban ang mga Marcos.
“Ako taas noo kong ipinagmamalaki na isa akong Loyalista ng mga Marcos, dahil Alam kong nasa tama iyong aking mga ipinaglalaban.
“Kaya ngayong natupad na ang aking ipinaglalaban, ako mismo ang nagproduce ng pelikulang ‘Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.’ Para makita nila iyong hirap at saya sa pakikipaglaban namin kasama ang mga Marcos.
“Walang pagsisisi iyong ginawa ko, sakit, luha at mga pagdaramdam na overcome naming lahat iyon kaya naman naging matagumpay ang aming pakikibaka,” maiyak-iyak na kwento ni Ms. Imelda Papin.
Ang ‘Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin,’ ay sa Direction ni Gabby Ramos kasama sina Claudine Barretto, Jeorge ‘ER’ Ejercito Estregan, Alice Dixson, Gary Estrada at Maffi Papin Carrion, Imelda Papin at sa ilalim ito ng QueenStar Film Production.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI