
Itinuturing ni Sen. Loren Legarda na creeping invasion ng China ang presensya ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa bansa.
Iginiit ni Legarda na hindi na lamang sa karagatan o sa ere ang pagsakop sa isang bansa ngayon kundi maaari na ring gawin sa kultura, ekonomiya at sa pulitika.
Naniniwala ang mambabatas na napasok na rin ng mga sindikato ng ibang bansa hindi lang ang mga halal na posisyon kundi maging ang mga ahensya ng gobyerno.
Dapat anyang masilip kung saan at papaano nakakapasok sa bansa ang isang dayuhan at nagkakaroon pa ng mga legal na dokumento na nagsasabing sila ay mga Pilipino.
Samantala, itinanggi ni Legarda na tinatarget lang nila ang mga Chinese nationals sa senate investigation sa paggiit na ginagawa nila ito bilang seryosong usapin ng seguridad hindi lang para sa mga Pilipino kundi pati na sa mga Chinese-Filipino Community.
More Stories
COMELEC IBINASURA DQ CASE VS TULFO FAMILY
PAGKAMKAM NG CHINA SA PALAWAN, PINALAGAN NI GOITIA
MGA PILIPINONG IMBENTOR NAMAYAGPAG SA THAILAND INVENTORS’ FAIR 2025, NAG-UWI NG 13 MEDALYA