December 23, 2024

Pinas, tumamlay ang basketball program dahil di nakikinig sa suhesyton ng Pinoy fans

Ano na nga ba ang stand ng Pinas pagdating sa larong basketball? Kilala ang bansa at tayong mga Pilipino bilang basketball enthusiast. Ito’y dahil sa impluwensiya na rin ng ilang pro basketball leagues. Lalo na ang PBA at ang sikat na liga na NBA.

Sa mga nakalipas na panahon, buhos na buhos ang suporta ng kinauukulan sa basketball. Siyempre, ika nga, sikat kasi ang basketball na kahit sinong Pinoy ay marunong maglaro nito. Kumbaga sa apo, ito ang paborito ni lolo; ang paboritong sport. Kaya, tila pakong-pako ang pansin ng mga opisyal sa larong ito.

Hindi gaya noon, ang glory days ng Philippine basketball ay kinakalawang na. Noong araw, lalo na noong dekada 50-60, kinakaya-kaya lang natin ang ibang bansa. Tayo ang hari noon sa Asya. Subalit ngayon, nawala nang tuluyan ang shakra. Pati sa Southeast Asian region, tinalo tayo ng Indonesia. Suspetsa ng karamihan, pinupulitika na ba ang basketball dito sa atin?

Anong mentalidad ang itinuturo ng mga opisyales sa mga players? Magkasya na lang na makapaglaro? Kung oo, bakit hindi pa pilitin na manalo? Pati sa mahihinang teams ay hirap o dili kaya’y natatalo tayo. Baka naman mali na ang sistema? Nakakahiya na ika nga magtaas ng noo kasi talo.

Maayos, tama at makalubuhan ba ang programa? Lalaban tayo sa malaking torneo. Kaya, dapat ilaban na ang pinakamalakas. Learning process pa rin ba? Hindi na matuto-tuto? Pakinggan nawa ng mga opisyales  ang panawagan ng fans. Kung hindi, huwag nang gamitin ang salitang Pilipinas sa team uniforms. Kasi, bansa ang kinakatawan ng team at hindi ang isang organisasyon lang.

Kapag hindi, baka marami pang fans ang di susuporta sa programa ng national team.Kumilos na ang kinauukulan habang hindi pa huli ang lahat. Baka mapag-iwanan na kayo ng football at volleyball.