KINUMPIRMA ng Department of Health ngayong Martes na mayroon ng kauna-unang dalawang kaso ng B.1.617 coronavirus variant sa Pilipinas o mas kilala bilang Indian variant.
Ang B.1.617 ang siyang responsable sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa India, na kinikilala ngayon bilang “variant of concern” ng World Health Organization.
“Tayo po ay may dalawang kaso na naitala,” saad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Itong sinasabing dalawang overseas Filipino workers (OFW) na galing Middle East ay mga asymptomatic at nakarekober mula sa COVID. Wala rin silang history na naglakbay sa India.
Dumating ang 37-anyos na Pinoy galing Oman noong Abril 10 at nag-quarantine sa isang hotel sa Metro Manila. Nakarekober siya noong Abril 26 at ngayon ay nasa Soccsksargen. Habang dumating naman sa Pilipinas ang 58-anyos na seaman noong Abril 19, at nag-isolate sa pasilidad sa Clark. Nakarekober siya noong Mayo 6 at ngayon ay nasa Bicol.
Ipinatupad ng Pilipinas ang travel sa India at apat pang mga bansa para maiwasan ang B.1.617 variant na makapasok sa bansa. Epektibo ito hanggang Mayo 14.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR