November 2, 2024

‘PINAS PASOK SA ‘BEST COUNTRIES’ SA BUONG MUNDO

Muling nakapasok ang Pilipinas sa best countries sa buong mundo, ayon sa annual list ng U.S. News & World Report’s annual list.

Base sa report,  pumusisyon sa ika-46 ang Pilipinas matapos makakuha ng 23.1 na average score.

Ang global survey ay nilahukan ng mahigit 21,000 katao mula sa 180 bansa.

Ibinase ang survey sa perception ng International Community na kinikilala ang gender equality, investment environment, religious freedom at human rights.

Nananatiling ang Switzerland ang nasa unang puwesto. Sinundan naman ito ng Japan, Canada, Germany at United Kingdom.