December 23, 2024

‘PINAS NAKATANGGAP NG A- CREDIT RATING – RECTO

IKINATUWA ni Finance Secretary Ralph Recto nang makatanggap ang Pilipinas ng A- credit rating mula sa Rating Investment Information, Inc. (R&I), ang pinakamalaking credit rating agency ng Japan.

“This is a milestone achievement. Ito ang kauna unahang credit rating upgrade sa ilalim ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. na nagpapatunay na malaki ang tiwala ng mga investors and creditors sa kanyang pagpapatakbo sa ekonomiya,” ayon sa Finance Chief.

Sa pamamagitan aniya ng mataas na credit rating na ito ay inaasahang mas magiging mura at cost-effective ang borrowing cost para sa pamahalaan at pribadong sektor sa bansa.

Inaasahan ring makakaakit ito ng mas maraming foreign investments para sa Pilipinas at makakagawa ng trabaho para sa mga Filipino.

Sa report ng R&I, kinilala nilang dahilan ng credit upgrade ng Pilipinas ang macroeconomic stability, mataas na economic growth path at patuloy na improvement sa fiscal balance ng bansa.

Naniniwala rin ang Japanese credit watcher na patuloy na bababa ang utang ng bansa.