December 24, 2024

PINAS, HINDI KASAMA SA LIST NG IKINASANG ‘OIL WAR’ NG RUSSIA

Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Hindi maiiwasang maramdaman natin ang nagaganap na tensyon ngayon. Ito ay ang pagkubkob ng Russia sa bansang Ukraine.

Dahil nga sa nangyaring pagpalag ni Russian president Vladimir Putin, sa ibang paraan rumesbak ang mga kalaban. Kabi-kabilang sanction ang ipinataw ng US at European Union dito. Kabilang na ang ikinasang ‘Oil War’ o pagboykot sa produktong langis ng Russia. Tatablahin ito ng mga bansang kaalyado ng NATO at ni Uncle Sam.

Gayunman, tila nakuryente ng mga ito sa kanilang ginawa. Ang siste, puputulin ng Russia ang pagsu-suplay ng langis sa buong Amerika at Europa. Ito’y bilang pantapat sa ‘Oil War’ na ikinasa ng US at EU. Tatablahin din ng Russia ang mga bansang kakampi nina Uncle Sam sa Asya. Bagamat may mga naka-depositong langis ang US sa ilang estado nito gaya ng Oklahoma, Colorado at Texas.

Pero, hindi ito gugustuhing magmina ng ganun sa kanilang sariling bakuran. Nag-iisip ba ng maayos ang NATO at ang US pati ang EU? Na kaalyado ng Russia ang Saudi at Venezuela. Tiyak na kakampihan din ng mga bansa sa middle east si Putin.

Iyan ay dahil sa pagiging racist ng NATO. Sure ball na papanig din ang Iran at Syria sa ‘oil war’ tactics ng Russia. Ngayon, sa ganang atin, apektado ba tayo? Malamang sa hindi dahil sa middle east naman tayo kumukuha ng suplay. Hindi sa US at sa EU.

Wala rin tayo kasama sa listahan ng mga bansang tatablahin sa suplay. Hindi gaya ng South Korea, Taiwan, Singapore at Japan, na bad shot sa Russia. Ngayon sino ang higit na maapektuhan? Pehadong sisirit ang presyo ng langis sa Europa.