MAAARI nang makapasok sa Pilipinas ang mga fully vaccinated tourists mula sa “green list” countries sa mga susunod na araw.
Ito ay sa sandaling maglabas na ng mga patakaran ang Inter-Agency Task Force kaugnay sa pagpasok ng mga turista sa bansa.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), inaprubahan na ng IATF ‘in principle’ ang pagpasok ng fully vaccinated tourists mula sa green list countries/territories/jurisdictions.
Sa pamamagitan nito, inaasahang lalakas pa ang ekonomiya ng bansa at tataas ang economic growth.
Una na ring binuksan ng Thailand, Vietnam at Cambodia ang kanilang bansa para sa mga fully vaccinated tourists.
Inirerekomenda naman ang paglalagay ng “vaccinated travel lane o bubble” para sa mga yellow list countries at hinihintay na lang ang approval ng IATF.
Ang proposed bubble ay special program para sa vaccinated tourists mula sa yellow list nations upang makapasok sa Pilipinas sa ilalim ng restrictions at strict conditions.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund