Nakalaya na ang tinaguriang pinakamatandang political prisoner sa bansa.
Ayon sa grupong KAPATID na labis ilang nagagalak sa pagkalaya ni Gerardo Dela Pena, 85 mula sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa nitong Hunyo 30.
Dagdag pa ni KAPATID spokesperson Fides Lim, na nakasama na ni Gerardo ang kaniyang asawang si Pilar na nakauwi sa kanilang bahay.
Isa itong tagumpay sa human rights subalit isang paalala ng maraming mga balakid ang kakaharapin sa pagpapalaya ng mga political prisoners.
Inaresto si Dela Pena noong Marso 13, 2013 sa edad na 75 sa Vinzon, Camarines Norte dahil umano sa pagpatay sa kaniyang pamangkin na itinanggi naman nito.
Inako ng New People’s Army ang pagpatay subalit nahatulan pa rin si Dela Pena ng 12 taon na pagkakakulong.
Sinabi pa ng KAPATID na inirekomenda na ng Bureau of Pardons and Parole noong Marso 8 na ang hatol kay Dela Pena ay na commute na sa 12 taon dagda pa dito ang good conduct time allowance na kaniyang naipon.
Noong ito ay nakakulong ay hiniling ng Commission on Human Rights at ibang mga grupo na dapat palayain na siya dahil sa delikadong kalusugan nito at ang kahinaan ng paningin at pagdinig.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA