November 23, 2024

Pinakamataas na pagpupugay sa batang sundalo, na inalay ang buhay para di makapaminsala ang suicide bomber na taga-Indonesia

Private John Agustin ng Philippine Army

Nasundan ko ang babaeng terorista sir.”

Ito ang huling pananalitang nasambit ng sundalong si Private John Agustin. Si Agustin ay nakatalaga sa 35th Infantry Batallion ng Philippine Army na nakabase sa Jolo,Sulu.

Aniya, matapos niyang ma-ispatan ang babaeng suicide bomber, agad niya itong hinarang. Sa gayun ay wala ng buhay pa ang masayang. Kahit katumbas man nun ay ang kaniyang sariling buhay. (sabay sila sumabog)

Isinalba niya ang mga kapwa sundalo at inosenteng sibilyan sa naganap na ikalawang pagpapasabog ng mga terorista sa sentro ng Jolo, Sulu, noong Agosto 24, 2020.

Habambuhay mai-uukit sa kasaysayan ng Armed Forces of the Philippines ang kabayanihan at katapangang ipinamalas ni Pvt. John Agustin na tubong Polomolok, South Cotabato.

Hindi makakalimutan ng sambayanang Pilipino, (lalo na ng mga taga-Jolo) ang sakripisyo at kagitingang ipinamalas nito.

Tanging sundalo at pulis lamang marahil ang may kayang mag-alay ng buhay para sa kapayapaan.Walang ibang iniisip, kundi protektahan ang mga inosenteng tao at lumaban para sa ating bandila.