SA loob lamang ng isang araw, panibagong record high ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19, na umabot sa 4,063.
Dahil dito, pumalo na sa 93,354 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng pandemic na sakit sa bansa.
Ang bilang ng mga iniulat na bagong kaso ay resulta raw ng submission ng 74 mula sa 91 laboratoryo.
Mula sa higit 90,000 total cases, may 26,153 na mga active o nagpapagaling pa. Pinaka-malaking porsyento pa rin sa mga ito ang mild cases na nasa 87.8-percent.
Samantala, mula sa higit 37,000 bilang kagabi, nasa 165 lamang ang bilang ng bagong recoveries ngayong araw. Ang total ng mga gumaling ay nasa 65,178.
Habang sumipa sa 40 ang bilang ng mga bagong naitalang namatay, na may total nang 2,023.
Ayon sa DOH, 83 duplicates ang kanilang tinanggal mula sa total case count.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE