
Lubao, Pampanga —Sa isang engrandeng groundbreaking nitong Linggo, opisyal nang sinimulan ang pagtatayo ng Pradera Verde Racing Circuit (PRVC) sa Brgy. Sto. Niño — ang pinakamalaki at pinakabagong motorsports complex sa buong Pilipinas!
Sa lawak na 42 ektarya, pang-world-class ang disenyo ng PRVC na likha ng Tilke Engineers & Architects, ang German firm sa likod ng ilang iconic Formula 1 tracks sa buong mundo.
Ang PRVC ay magkakaroon ng 4.8-kilometer circuit, may 17 turns, drag strip, at isang V-shaped pit building na may 44 garahe. Puwede rin itong i-configure sa iba’t ibang klase ng karera — mula sa professional racing hanggang amateur drag battles.
Ayon kay Mayor Esmeralda Pineda, ang proyektong ito ay hindi lang karerahan kundi isang game-changer para sa turismo at ekonomiya ng Pampanga.
“Ito ay magbibigay ng trabaho, ng kabuhayan, at ng pagkilala sa ating bayan bilang motorsports capital ng bansa,” aniya.
Ayon naman kay Hisham Ibrahim ng Tilke Engineers, hindi lang ito basta construction project — kundi “simbolo ng world-class ambition ng Pilipinas.”
“Ang racetrack na ito ay bunga ng malawak na pananaw ni Mr. Rodolfo Pineda. Isa itong regalo para sa komunidad,” dagdag niya.
Bukod sa mismong karerahan, balak din ng PRVC na magpatayo ng trackside villas, maglunsad ng training programs para sa lokal na talento, at magtaguyod ng mga community initiatives para itulak ang turismo sa rehiyon.
Target matapos ang konstruksyon sa loob ng 18 buwan, at pagkatapos nito ay inaasahang sunod-sunod na ang mga international at local events na magpapasigla sa Central Luzon.
More Stories
VLOGGER NA HUMIGA SA LOOB NG FREEZER SASAMPOLAN NG ALFAMART
26 OFW sa Israel naghahanda nang bumalik sa ‘Pinas
Mindoro Tamaraws, Nagwagi Laban sa Muntinlupa Cagers; Rizal Tinalo ang Imus