December 24, 2024

PINAKAMALAKING BUSINESS DISTRICT SA RIZAL, ITATAYO SA ANGONO

Sa loob ng susunod na dalawang taon, magkakaroon na rin ng business district katulad ng Bonifacio Global City o BGC ang bayan ng Angono, Rizal

Ito ang tiniyak ni Angono Rizal  Mayor Jeri Mae Calderon, anak ni dating alkalde na ngayon ay Vice Mayor Gerry Calderon.

Ayon kay Mayor Jeri Mae, ang pagtatayo ng businesa hub ay bahagi ng plano ng pamahalaang bayan na pagtatayo ng mga infrastructure projects na tinatawag na “Life Industrial Park for Angono Dream o LIPAD” na inisyatibo ng kanyang ama.

Ang nasabing business center ay matatagpuan sa Barangay Kalayaan sa dulo ng Baytown Road.

“It’s is a huge place. Our goal there is for it to be like a BGC. Various establishments and commercial buildings will grow there,” ayon sa 32-anyos na si Mayor Jeri Mae.

Nakipagpartner aniya ang lokal na pamahalaan sa pribadong sector upang maisakatuparan ang proyekto.

Nilinaw ng alkalde na mas mabilis na rin ang magiging travel time  sa sandaling matapos ang Likewise, Binangonan-Angono-Taytay Diversion Road.

“Once that diversion road is finished, many investors will invest in our town,” sabi pa ni Mayor Jeri Mae. Ang Bayan ng Angono  ay itinuturing na Art Capital ng Pilipinas.