Nagsagawa umano ng intrusive patrol ang pinakamalaking Coast Guard ship sa buong mundo na pagmamay-ari ng China sa Scarborough shoal.
Sa X post ng SeaLight director na si Ray Powell, batay sa automatic identification system, na-monitor sa kanluran ng Scarborough o Bajo de Masinloc sa nagdaang 24 oras ang 165-meter vessel ng China Coast Guard na may bow number 5901 kasama ang 102-meter CCG vessel.
Ayon pa kay Powell, bago ito, ay nagsagawa ng patrolya ang CCG sa exclusive economic zones ng iba’t-ibang bansa para mag established ng kanilang presensiya.
Samantala, kinumpirma ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad na na-monitor ang Coast Guard ship 50 nautical miles mula Bajo de Masinloc.
Ipinapaubaya naman na ng Navy sa NTF-WPS ang gagawing hakbang hinggil sa namonitor na presensiya ng naturang barko ng China.

More Stories
BABAENG NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA PAGWAWALA, DROGA
KITA NG GASOLINAHAN, NILIMAS NG RIDER
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF