November 5, 2024

PINAKAMAHAL NA BLACK AND WHITE PHOTOGRAPH

Ang pinakamahal na larawang black and white, na nabili noong nakaraang ika-20 siglo ay ang ‘surrealist ‘Man’s Ray’s Noire et Blanche; kung saan makikita sa larawan ang modelong si Kiki de Montparnasse na may hawak-hawak na African mask na kinuhanan noong taong 1926.

                                                                  oOo

PINAKAMALAKING PLANETARY MOON

Ang pinakamalaking buwan sa solar system ay ang Ganymede. Ang nasabing buwan ay nadiskubre ni Galileo noong January 11, 1610. Ito ay kabilang lamang sa kabuuang 61 satellites ng planetang Jupiter at tinatayang 97 kilometro (67 milya) ang sukat ng kapal nito.

Nabigo noon ang 1979 Voyager 1 at 2 space probes na ma-detect ang ebidensiya ng atmospera nito. Subalit, noong 1989, naglunsad ang NASA ng aptly na pinangalanang ‘Galileo’ probe at narating nito ang Ganymede noong Hunyo 1996.