November 25, 2024

PINAGARBONG PANGALAN NG QUARANTINE MEASURES INUPAKAN NI IMEE (NCR Plus, NCR Pro, NCR Pro Max, ano pang susunod?!)

HINDI pa tapos si Senator Imee Marcos sa pambabatikos matapos nitong silipin ang ‘nakaugalian’ ng pamahalaan sa paggamit ng “magarbong” mga pangalan ng quarantine measures laban sa COVID-19.

“You know it would be comical, if it weren’t so tragic,” ayon kay Marcos nang mabanggit ang “NCR bubble” sa isang panamayan sa “Headstart” ng ABS-CBN’s News Channel. “Really, papalit palit ng pangalan e, parang nakakatawa na. Effectively this is a lockdown, you know that, everyone knows that.”

“Huwag naman nating niloloko ang tao kasi kung ano na lang mga fancy names NCR Plus, NCR Pro, NCR Pro Max, ano ba?” saad niya nang ihalintulad sa iba’t ibang modelo ng Apple iPhones.

Una nang isinailalim ng pamahalaan ang National Capital Region (NCR) at apat na kalapit na lalawigan – Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal – sa general community quarantine mula Marso 22 hanggang Abril 4.

Nang maglaon ay kinilala ito bilang NCR bubble o NCR Plus Bubble.

Marami pang termino ang napansin ni Marcos tulad ng “circuit breaker,” at “soft” and hard quarantine measures na nagdulot lang ng kalituhan sa marami.

“Talagang nakakahilo na, ano ba ibig sabihin nitong mga ECQ, GCQ … BBQ, ano ba?” pagpapatuloy pa niya.

Maging si dating Vice President Jejomar Binay ay naniniwala na itong tinatawag na “bubble” ay isang lockdown sa realidad.

“What’s in a name? The so-called ‘bubble’ is in reality a lockdown. But gov’t won’t call it a lockdown because it will be an admission of their failure, neglect, and incompetence. Stop blaming the people,” tweet ni Binay noong Lunes.