Planong i-content ng paksyon ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na kilalanin ang grupo ni Energy Sec. Alfonso Cusi bilang “tunay at opisyal na miyembro” ng PDP-Laban.
Ito’y matapos paboran ng Comelec ang petisyon ng Cusi wing na pinadedeklara bilang “illegitimate” ang PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Senator Pimientel at Senator Manny Pacquiao, na kasalukuyang tumatakbong pangulo.
“The decision is not immediately executory. We will file a motion for reconsideration as a matter of right within 5 days from receipt of copy of Decision, “ ani Pimentel sa isang pahayag.
Ayon kay Pimentel, ang petisyon ng Cusi wing na ideklara ang kanilang grupo bilang “illegitimate” ay “fatally defective” dahil inihain lang ito sa ngalan ng political party na walang abumang board resolusyon.
“Ang luwag naman ng Comelec kay Sec. Cusi pagdating sa requirements! Sec. Cusi and company had no authority to file the petition and yet it was entertained by Comelec? What happened to all the requirements other petitioners before the Comelec are required to comply with?” tanong ni Pimentel.
Dagdag pa ni Pimentel, tatanungin din nila ang Comelec kung bakit nai-refer ang petisyon sa dibisyon na hindi man lang sinabihan ang kanilang grupo.
“Those of us who have known only one political party, the PDP LABAN, and have been with PDP LABAN for 40 long years will now be separated from our party because of Sec Cusi who joined the party 5 years ago and his group of people who are outsiders and strangers to the party?” wika ni Pimentel.
“Ayaw nga namin maging mga turncoats kaya nga 40 years na kami sa PDP LABAN. Ayaw namin ng palipat lipat ng partido. It is Comelec which will force us to transfer to another party against our will and against our party rules?” dagdag pa nito.
“This issue should not be a case of ‘paramihan.’ Paramihan, pero mga fake members naman! This case is an issue of following rules: following the PDP LABAN constitution; following Comelec rules of procedure,” pagpapatuloy ng senador.|
Dagdag niya na tanging lehitimong party members ang maaring payagan na resolbahin ang isyu, hindi “outsiders at complete strangers.”
Ang PDP-Laban ay itinatag ng ama ni Koko na si dating Senate President Aquilino “Nene” Jr.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR