HAHATULAN na ng Department of Justice ang kasong paglabag sa quarantine protocols laban kay Senador Koko Pimentel.
Ayon kay DOJ Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, deemed submitted for resolution na ang naturang kaso.
Matatandaang si Senador Koko ay inireklamo sa DOJ ni Atty Rico Quicho, dating dean ng Makati Law School dahil sa paglabag sa Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, at iba pang patakaran ng Department of Health dahil sa COVID-19 pandemic.
May kaugnayan ang insidente sa ginawang pagpasok ng Senador sa Makati Medical Center para samahan ang misis na buntis sa kabila na siya ay person under investigation matapos na malantad sa isang nagpositibo sa COVID-19.
Inatasan na rin ni Fadullon ang fiscal na magpalabas na ng resolution sa kaso lalo na at natapos na ng NBI ang imbestigasyon.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?