November 24, 2024

PILIPINAS UMABOT SA 1.1M COVID-19 CASES

NAKAPAGTALA ang bansa ngayong Linggo ng 7,174 bagong COVID-19 infections, batay sa latest bulletin ng Department of Health

Dahil dito umabot na sa 1,101,990 ang kabuuang kaso sa Pilipinas kung saan 61,294 o 5.6% ang aktibo. Dagdag pa ng Kagawaran na 93.8% ay may mild symptoms, 2.1% ay asymptomatic, 1.3% ay nasa kritikal na kondisyon, 1.7% ang severe cases at 1.07% ay moderate.

Habang umabot na sa 18,472 naman ang namatay matapos pumanaw ang dagdag na 204 na pasyente sa nakamamatay na virus.

Umakyat naman sa 1,022,224 ang bilang ng COVID-19 survivors, matapos makarekober ang 9,197 katao mula sa sakit.

“33 duplicates were removed from the total case count. Of these, 28 are recoveries and 1 is a death.” “Moreover, 149 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”