NAKASUOT ng personal protective equipment (PPE) ang mga dayuhang Chinese habang nasa labas ng Ninoy Aquino Terminal 1 na nakatakdang umalis ng bansa. Ito’y matapos palawigin ng pamahalaan ang travel ban sa 32 bansa hanggang Enero 31, 2021 dahil sa bagong variant ng COVID-19. (JHUNE MABANAG)
PINALAWIG pa ng pamahalaan ng Pilipinas ang travel restrictions sa 32 bansa hanggang Enero 31 upang pigilan ang pagpasok ng B117 variant ng virus na sanhi ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang nasabing extension ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kahapon.
Kasama sa mga saklaw ng travel restrictions ang mga manggagaling mula sa United Kingdom; Denmark; Ireland; Japan; Australia; Israel; The Netherlands; China (kasama ang Hong Kong); Switzerland; France; Germany; Iceland; Italy; Lebanon; Singapore; Sweden; South Korea; South Africa; Canada; Spain; United States; Portugal; India; Finland; Norway; Jordan; Brazil; Austria; Pakistan; Jamaica; Luxembourg at Oman.
Ibigsabihin ang mga hindi Filipinong biyahero na nanggaling sa nasabing mga bansa ay hindi pahihintulutang makapasok sa bansa. Habang papayagan namang mapasok ang mga Filipino citizen ngunit kailangang sumailalim sila sa screening para sa COVID-19 at 14 araw na qurarantine sa isang pasilidad.
Kamakailan, nakita sa isang Pilipinong biyahero mula United Arab Emirates ang UK strain ng COVID-19.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA