Namamayagpag ang Pilipinas sa 2020 Tokyo Olympics sa pagsungkit ng medalya. Nakasasabay na ang Pinas ang ibang bansa sa Southeast Asia pagdating sa medal tally.
Sa ngayon, tatlong medalya na ang nakuha ng bansa. Ito ay ang tig-iisang gold, silver at bronze. Ito ay hatid nina Hidilyn Diaz (weightlifting), Nesthy Petecio at Eumir Marcial (boxing).
Ang kinatawan sa ngayon ng nasyon sa Olympics ang siyang pinakamalakas. Madadagdagan pa ang medal ng bansa sa oras na umupak na si Carlo Paalam.
Maaaring makabingwit siya ng gold o silver. Dahil dito, 4 na medalya ang nakuha ng Pilipinas sa Olympics.
Sa ibang bansa sa Southeast Asia, Ang Indonesia ay may 1 gold, 1 silver at 3 bronze. Mayroon namang nakalap na 1 gold at 1 bronze ang Thailand. Habang ang Malaysia may isang bronze.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE