November 17, 2024

PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?

Napakahirap tanggapin mga Cabalen na naging tampulan na ang Pilipinas ng katatawanan dahil sa pinag gagagawa ng mga leader at  mga taga-gobyerno.

Economic at political crisis nang maituturing ang patuloy na pagbagsak ng ekonomiya dahil sa walang tigil na pagbabangayan ng mga pulitiko.

Ang mayaman lalong yumayaman dahil sila ang may impluwensiya at kapangyarihan upang manipulahin ang kalakaran sa bansa.


Pera lamang daw ang katapat at madali mong makukuha ang iyong gusto. Ang lahat daw ay pwedeng bayaran kung mayaman ka. Ang biktima tayong mga ordinaryong mamayan.

Ang walang humpay na bangayan ng mga lider ng bansa. Pagtatakipan ng pagnanakaw at ibat-ibang krimen ng mga pulitiko. Ilan pa lamang sa dahilan kung bakit tayo nagiging katawa-tawa sa tingin ng ibang bansa.


Napasok tayo ng sindikato ng scam, sugal at human trafficking dahil pinayagan ito ng mga gahamang pulitiko dahil sa pera.


Ang mga pulitikong ito ang dahilan kung bakit naghhihirap ang ating bansa.

Ang pamilyang Pilipino hirap na hirap pa rin sa buhay. Nagsusumikap subalit hindi pa din makaahon sa hirap.

Hanggang nakaupo ang mga gahaman sa puwesto at patuloy natin silang iboboto walang mangyayari sa ating bansa. Kawawa hanggang kaapu-apuhan.


Sapagkat mananatili ang korupsyon kung sila-sila pa rin ang ating iboboto. Maging matalino na sana tayo.


Alam ba ninyo mga Cabalen na ayon sa suvey na isinagawa at inilathala kahit sa listahan ng least corrupt country wala pa rin sa listahan ang Pilipinas? Kahit sa pinakamaliit at mababang puwesto wala tayo sa listahan. Marahil kapag nagpalabas ng most corrupt malamang kasama na tayo.


Habang buhay ba tayong aasa sa ayuda at tupad? 

Nais ba nating lagi na lamang pinagtatawanan ng ibang bansa dahil sa mala-teleseryeng takbo ng ating pamunuhay sa kamay ng mga ulupong sa pamahalaan?
Tayong mga botante ang tatapos sa paghihirap ng ating bayan.