Aminado ang Philippine Olympic Committee na hindi madali na madagdagan pa ang bilang ng mga atleta ng bansa na makakapasok at makakapaglaro sa Paris Olympics ngayong taon.
Ayon kay POC president Bambol Tolentino, na hindi gaya noong nakaraang Tokyo Olympics ay nakapagpadala ang bansa ng 19 na atleta habang ngayong taon ay mayroong tiyak na apat na atleta lamang.
Sa nagdaang Olympics sa Tokyo, ay siyam dito ang lalaki at 10 ang babae na lumahok sa kabuuang 11 sporting events na nagresulta sa isang gold, dalawang silver at isang bronze medal.
Hirap aniya ngayon na mapantayan ang delegasyon noon sa Tokyo maliban lamang kung mayroong koponan ang lalahok.
Umaasa pa rin ito na magwawagi ang ilang mga atleta sa bansa sa mga sinalihan nilang Olympic qualifiers para makahabol sa pagsabak sa Paris.
Ang apat na tiyak na maglalaro sa Olympics ay sina World Number 2 pole vaulter EJ Obiena, boxer Eumir Marcial at mga gymnast na sina Carlos Yulo at Aleah Finnegan. RON TOLENTINO
More Stories
2 tulak, kulong sa higit P.1M droga sa Caloocan
PAGAWAAN NG PEKENG VITAMINS SINALAKAY NG NBI (Washing machine ginagamit na panghalo)
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON