INANUNSIYO ng Britain na kanilang isinama sa kanilang travel “red list” ang Bangladesh, Kenya, Pakistan at Pilipinas, na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga tao na manggagaling sa nabanggit na mga bansa maliban kung sila ay British o Irish nationals.
Ibigsabihin, hindi papapayagang makapasok sa Britain ang mga manggagaling sa nasabing mga bansa na nasa red list, habang ang magbabalik na mga Briton ay isasailalim sa 10 araw na mandatory quarantine sa mga hotel.
Mula alas-4:00 ng umaga, isasama sa mga listahan ang ang Pakistan, Kenya, Pilipinas at Bangladesh, ayon sa gobyerno, makakasama nila ang nasa tatlong dosena ng iba pang bansa na pinangungunahan ng Africa, Middle East at South America.
Mayroong mga panawagan para isama ang ilang bansa sa Europe kung saan umusbong ang kaso ng COVID-19, subalit sinabi ng gobyerno na wala silang planong gawin ito.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO