January 19, 2025

PILIPINAS 80% NANG HANDA SA HOSTING NG FIBA BASKETBALL WORLD CUP SA AGOSTO

(L-R) Virgil Villavicencio,John Lucas,Richard Bachmann, Erika Dy.

NAAAYON ang lahat ng sistema sa preparasyon ng bansa sa pagiging ka- punong- abala sa higanteng kaganapang FIBA World Cup higit 70 araw bago umarangkada ang tinaguriang  ‘Olympic of basketball’ na masasaksihan sa bansa.

Inanunsiyo kahapon nina Joint Management Committee head John Lucas at  Deputy Event Director Erika Dy na ang ‘planning and organization’ para sa pagdaraos ng kaganapan ay nasa nasa 80 porsiyento nang kumpleto kung saan ay magkakaroon ng   test event sa huling bahagi ng buwan upang maramdaman na ang  World Cup atmosphere sa bansa..

 “On June 27 and 28, we’ll actually have our test event where we will hold games following the FIBA time which is 4 p.m. and 8 p.m. at Smart Araneta and 4:45 p.m. and 8:30 p.m. at the Mall of Asia. So simultaneous mangyayari ang mga laro,” wika ni  Dy sa kanyang pagbisita sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum  sa bulwagan  ng  Rizal Memorial Sports Complex.

 Dumalo rin sa sesyong  inihandog ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at the Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sina PSC chairman Richard Bachmann at local media committee head Virgil Villavicencio.

Maglalaro ang kumbinasyon ng  UAAP at NCAA teams na ikokober live  upang testingin ang  broadcast side ng coverage.

Kasabay nito ang sabay paroo’t pabalik sa nabanggit na venues  at ang mga laro ay bukas para sa publiko.

 “This means nakalatag na lahat ng plano. It’s just all about execution,” bagdag ni  Dy, dating Ateneo player at coach.

Unang nag- host ang Pilipinas ng   World Cup noong 1978.

Co- host ng bansa ang  Japan at Indonesia para sa Agosto 25  hanggang  Setyembre 10 na  kaganapan kung saan ang lahat ng playoffs ay nakatakda sa  Mall of Asia Arena.

  Gaganapin ang opener na  doubleheader sa  Philippine Arena na tatampukan ng  Gilas Pilipinas kontra Dominican Republic sa main game kasunod ng bakbakang Italy versus Angola bilang  curtain raiser.

 Ang formal opening ceremony  ay sasambulat sa pagitan ng doubleheader.

 “This will go beyond the games because we have something special for the fans. We’ll have the opening ceremony, halftime shows. So great value for the fans. Two great games, great opening, halftime shows where you’ll see celebrities,”ani pa Lucas .

 Optimistiko si Lucas  na pagsisikapan ng  Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maalpasan ang record na 32,000-plus attendance sa isang  FIBA game na pupuno sa Philippine Arena sa  opening day.

 Ang record attendance ay naitala noong 1994 World Cup sa Toronto ,Canada kung saan naglaban para sa kampeonato ang US at Russia.

“We want to really fill up the Philippine Arena. We need to break the record. Let’s make history,” dagdag ni Lucas.

 Naimbitahan Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. bilang panauhing pandangal sa pambungad- seremonya.

 “He’s been invited, but there’s still no confirmation,” ani Dy, na inihambing ang pagdalo ni President Marcos Sr. noong nakaraang hosting ng Pilipinas 45 taon na ang nakaraan.