
Tuloy-tuloy ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng padel, lalo na sa usapin ng pagbubukas ng mas maraming oportunidad sa sports bilang kabuhayan.
“You join the national team for God and the glory of the country. Uuwi ka for pride… pero hindi mo ikayayaman ‘yan. But they can make a good living as a coach. That’s what I’m trying to build for them—these opportunities,” wika ni Cayetano sa Padel Pilipinas press conference nitong May 1, 2025.
Sabi ni Cayetano, na isa ring padel player at mahilig sa palakasang ito, gusto niyang palaganapin ang padel sa buong bansa pero hindi ito mangyayari kung walang maayos na pasilidad at tulong mula sa mga lokal na pamahalaan.
“‘Yung mga tennis players, dumadayo sa probinsya. Iyon din ang dream ko sa padel — na magpapa-tournament din sila doon, tapos ang Philippine team ang pupunta para i-demo sa mga baguhan,” sabi niya.
Higit sa pagiging competitive, pinaalala rin ni Cayetano ang kahalagahan ng magandang sportsmanship at asal sa paglago ng palakasan sa bansa.
“You can win and be a gentleman or a lady in every sense of the word,” aniya. “Gusto ko ipakita nila na magaling ka pero you are humble… Ayoko nang yabangan. Gusto ko rin yung maayos na cheering, hindi yung babastusin mo yung kalaban.”
Tiwala si Cayetano na hindi lamang magiging competitive sport ang padel, kundi ito ay magiging plataporma din para sa kabuhayan, character-building, at national pride. (DANNY SIMON)
More Stories
Legends”Bata” Reyes at Marlon ” Marvelous” Manalo… BILIB SA BILYARISTANG MANDALEÑO
2 Chinese National, Arestado sa Bacoor Checkpoint; Baril, Daan-daang Bala, at Gadget Nakumpiska
Palasyo: Mas mataas na ranking ng Pilipinas sa Press Freedom Index, patunay na hindi diktador si Marcos Jr.