
Muling pinagdilim ng Phoenix Suns ang Milwaukee Bucks sa Game 2 ng NBA Finals. Tinupok ng Suns ang Bucks sa iskor na 118-108. kaya, bitbit na ng Suns ang 2-0 series lead sa kanilang best-of-seven showdown.
Nanguna sa panalo ng Phoenix si Devin Booker na naglista ng 31 points. Gayundin ng 5 rebounds at 6 assists. Nag-ambag naman si Chris Paul ng 23 points, 8 assists at 4 rebounds.
Sa panig naman ng Bucks, walang silbi ang huge game ni Giannis Antetokounmpo. Bumuslo si Giannis ng 42 points, 12 boards at 3 blocks.
Tumulong naman sa pagbitbit ng Bucks si Jrue Holiday na gumawa ng 17 points, 7 assists at 5 boards.
Sa first half, medyo nakasasabay pa ang Milwaukee. Pero, pagsapit ng second half, inalagaan ng Phoenix ang lamang.
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon