
Sinamantala ng Phoenix Suns ang pagkawala ni Anthony Davis. Dahilan upang tupukin ng Suns ang Lakers, 100-92 sa Game 4 ng West Round 1.
Hindi nakalaro si Davis dahil sa iniindang groin injury.
Bumida si Chris Paul sa panalo ng Suns sa pagtala ng 18 points, 2 boards, 9 assists at 3 steals.
Tumulong naman si Devin Booker sa pagbuslo ng 17 points, 7 boards at 5 assists.
Si Jae Crawder naman ay nagtala ng 17 points, 7 boards, 4 assists at 2 steals.
Di rin nagpahuli si Deandre Ayton sa pagkana ng 14 points, 17 boards at 2 steals.
Nanguna naman sa Lakers si LeBron James sa pagbuslo ng 25 points, 12 boards at 6 assists.
Dahil sa panalo, naitabla ng Phoenix ang serye sa 2-2.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT