November 23, 2024

PHOENIX SUNS, ABANSE SA WEST FINALS AFTER 11 YEARS MATAPOS IHAWIN ANG DENVER NUGGETS

Tuluyan nang winalis ng Phoenix Suns ang Denver Nuggets sa NBA Playoffs West semifinals. Inihaw ng Suns ang Nuggets sa intense Game 4 sa iskor na 125-118.

Di gaya noong last year, nawalis ang Denver, 0-4 sa serye gayung inaasahan itong aalagwa sa West. Tahimik ang crowd nila sa Ball Arena sa kanilang pagkatalo.

Nanguna si Chris Paul at Devin Booker sa panalo ng Suns. Bumuslo si Paul ng 37 points, 3 boards at 7 assists. Habang si Booker naman ay gumawa ng 34 points, 11 boards at 4 assists.

Nag-ambag naman si Will Barton ng 25 points at 5 rebounds.

Sa panig naman ng Denver, bumira si Nikola Jokic ng 22 points, 11 boards at 4 assists. Sinamantala ng Suns ang ejection ni Jokic sa laro.

Nagkaroon ng girihan sa third quarter sa 3:52 mark. Kung saan naghahabol ang Nuggets sa iskor na 83-75. Intentional na tinaga ni Jokic ang mukha ni Cameron Payne habang tinatapik ang bola.

Kinompronta ni Booker si Jokic sa ginawa nito at natawagan ng hard foul ang huli. Inawat naman ang mga teammates at coaches nila bago pa lumala ang girihan.

Bago na-eject si Jokic sa flagrant 2 foul, humingi ito ng paumanhin kay Payne. HInipo pa niya ito sa sentido bao umalis sa court.

Dahil sa shocker win ng Phoenix, abanse na sila sa Conference Finals. Muling nakarekta ang Phoenix sa West Finals makalipas ang 11 taon. Huli silang nakarekta noong 2010 kontra sa Lakers, kung saan nalaglag sila sa Game 6, 111-103

Hihintayin na lang nila ang magwawagi sa Utah Jazz at Los Angeles Clippers.