
Tinapos na ng NLEX Roadwarriors ang apat na larong magkakasunod na pagkatalo sa nagpapatuloy na 2024 PBA Governors’ Cup.
Ito ay matapos na tambakan nila ang Phoenix 104-79 sa kanilang laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Nakuha rin nila ang ikaapat na panalo sa loob ng siyam na laban kung saan nahigitan na nila ang Blackwater na mayroong tatlong panalo at limang talo sa Group B standing.
Mula sa umpisa ay hindi nakalamang ang Phoenix hanggang sa matapos ang laro.
Nanguna sa panalo ng NLEX si DeQuan Jones na nagtala ang 27 points, pitong rebounds habang mayroong 19 points, siyam na assists at limang rebounds si Robert Bolick. RON TOLENTINO
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa