
BINIGO ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ang Meralco Bolts, 88-84, sa kanilang do-or-die quarterfinal games sa mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.
Dahil dito, pasok na sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup ang Phoenix Super LPG Fuel Masters.
Nakamit ng Super LPG ang panalo kontra sa Meralco nang bumida si Jonathan Williams na nagtala ng 20 points at 16 rebounds.
Hawak ng Fuel Master ang kalamangang 18 points hanggang mailapit ito ng Bolts sa last quarter ng maitala nila ang diretsong 11 points.
Dahil sa panalo ay makakaharap ng Fuel Masters ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa semifinals. RON TOLENTINO
More Stories
Santo Papa nasa kritikal na kondisyon – Vatican
Kandidatong pro-China, ‘wag iboto – PCG spokesperson
Camille Villar sa Millennials: Panahon na para maging bahagi ng solusyon