KASADO na ang kauna-unahang Philippine Sports Expo( PSE) na nalalayong magtipun- tipon ang mga stakeholders sa sports sa bansa kabilang na ang mga atleta,NSA’s, mga produkto at goods na pampalakasan ng ie-exhibit para sa publiko.
Ang kaganapan ay matutunghayan mula June 30(ngayon) hanggang July 2 sa Crystal Pavilion ng Okada Manila.
“It will be a gathering of all stakeholders in sports – not just the brands and other services but the athletes themselves, the associations and federations and even the government,” pahayag ni Michael Herrera.
Sinabi naman nina Christian Ensomo at Patrick Buenaobre, PSE directors, na layon ng kaganapan ay bukas din para sa mga NSA na mag-demonstrate ng kanila sport at magkaroon pa ng mini competitions.
Ipinahayag nila sa nakaraang PSA forum na inihahandog ng San Miguel Corporation, MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na imbitado rin ang mga nagaalok ng merchandise, health foods, supplements at iba pang health products.
Inaasahan ang pagdalo ng mga sports icons na sina Manny Pacquiao, Hidilyn Diaz, Efren “Bata” Reyes and Ramon Fernandez at SP Sen. Migz Zubiri. (RON TOLENTINO)
More Stories
Mayor, konsehal at kawani, dinakip sa kasong rape
WANTED NA KUMUHA NG POLICE CLEARANCE ARESTADO SA MAYNILA
BILLARAN JUDGE SINIBAK NG SC