January 26, 2025

PHISGOC IMBESTIGAHAN – MONSOUR


PINANGUNAHAN ng isa sa pinakamagaling na atleta sa bansa na si Monsour del Rosario ang panawagan na imbestigahan ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) dahil sa kabiguan nito na makapagsumite ng audited financial report sa ginanap na 30th Southeast Asian Games.

Ayon kay Del Rosario, nababahala ngayon ang mga atleta, sports leaders mula sa iba’t ibang national sports association at iba pang stakeholders dahil nais nilang malaman ang katotohan sa likod ng Phisgoc at kung papaano nila ginasta ang bilyong pisong halaga para sa pagho-host ng bansa sa biennial meet na ginanap noong nakaraang taon.

Sinasabing iniwasan ng Phisgoc, na pinamunuan ni ousted Speaker Alan Cayetano, ang Philippine Olympic Committee (POC) mula sa pagsusumite financial report sa SEA Games.

Ang deadline ay dapat magla-lapse noong nakaraang Pebrero, subalit pinagbigyan ng POC general assembly ang Phisgoc hanggang Oktubre 10 upang ipresinta ang financial report alinsunod sa tripartite agreement na pinagtibay nila sa Philippine Sports Commission noong nakaraang taon ng Agosto.

Ngunit nabigo ang Phisgoc na sumunod, na nag-udyok sa POC executive council na magsampa ng civil complaint upang mapilitan ang organizing body na ipakita ang financial records.

Bukod sa P1.4 bilyon government fund, nais ding malaman ng POC kung anong nangyari sa mga perang nakuha mula sa mga sponsor, donasyon, benta ng ticket, marketing efforts, broadcast rights at iba pang private sources.

Sinabi ni Del Rosario, kung walang balak ang Phisgoc na ilabas ang financial records, dapat maglunsad ng imbestigasyon ang Senado, Kongreso at ang Office of the Ombudsman alang-alang sa mga atleta, coach, opisyal at iba pang mga stakeholder na nais panagutin ang Phisgoc.

“Accountability, transparency and good governance serve as the backbone of Olympism,” saad ni del Rosario, na siyang nagsilbing chef of mission ng SEA Games matapos italaga ni dating POC president Ricky Vargas, isa sa walong original incorporators ng Phisgoc.

“We are not accusing anyone here. We just want to find out the truth and know what really happened in the private and government monies that Phisgoc managed during the SEA Games. If we really love Philippine sports, if we really love this country, we should hold Phisgoc accountable.”

Ang 57-anyos na si Del Rosario ay maituturing na haligi ng Philippines sports.

Marami na siyang naiuwi na hindi mabilang na karalangalan sa bansa mula sa mga major international competitions tulad ng SEA Games, Asian Games, World Championships at ang Olympics mula 1982 hanggang 1989 habang nagsilbi rin bilang ambassador ng sport sa pamamagitan ng kanyang mga movie projects noong 1990s.

Nagsilbi rin siya bilang secretary general ng Philippine Taekwondo Federation at kasalukuyang president ng Asean Taekwondo Federation.

Dalawang taon ang nakalilipas, kinilala siya bilang Man of the Year of the World Taekwondo Federation, na naging unang Filipino at non-Korean na nanalo ng prestihiyosong patimpalak, at napabilang sa Hall of Fame dahil sa kanyang pagmamahal, sakripisyo, at hindi matatawarang kontribusyon sa larangan ng sport.

Nakagawa rin siya ng kasaysayan sa pagsisilbi bilang chief of mission ng Team Philippines, sa pagtatapos ng Asian Indoor and Martial Arts Games sa Ashgabat Turkmenistan na nakapagbitbit ng dalawang gold, 14  silver at 14 bronze medal.

Ngayong nahaharap siya sa malaking hamon nang pangunahan niya ang panawagan sa paghingi ng financial record sa SEA Games, na sinasabing hinaharang umano ni POC president “Bambol” Tolentino at mga kaalyado ni Cayetano sa local Olympics council.

Ayon kay Del Rosario, hindi dapat gamitin ng Phisgoc ang mga atleta at ang nalalapit na halalan sa POC bilang panangga upang punan ang responsibilidad nito na ipakita ang SEA Games financial record.

“It is their responsibility to present and explain to the POC, the athletes, coaches and other stakeholders how the SEA Games money was used. Phisgoc should never use the athletes and upcoming POC elections as excuses in evading its responsibility of presenting the financial records,” ayon kay Del Rosario.

“I have been an athlete before. Phisgoc has nothing to do with their victory. They should not take the credit away from those who trained, worked hard and sacrificed for the glory of the country in the SEA Games.”

Saad pa niya, na hindi dapat gamitin ni Cayetano, Tolentino at iba pang politiko ang mga atleta para sa kanilang personal interests.

 “Fighting for the Philippine sports is nothing new to me – either inside or outside the arena. I love Philippine sports so much that I don’t want these politicians to take advantage of our athletes,” saad niya.

“We really want to know what happened in the SEA Games budget. We need answers – not excuses.”