PORMAL nang binuksan ng Philippine Statistics Authority ang PhilSys Registration site ng Step 2 National ID sa SM Taytay ngayong Lunes.
Pinangunahan ng opisyal ng PSA kasama si Mayor Joric Gacula ang paglulunsad ng nasabing registration site na matatagpuan sa B1, Building B. (katabi ng Office Warehouse) sa nasabing mall.
Sa pagbubukas ng registration site na ito, layon ng lokal na pamahalaan na bigyan ang kanilang mga residente ng mas madaling access sa mga government offices.
Kaagad namang dinagsa ng tao ang unang araw ng pagbubukas ng registration site para magparehistro ng Natonal ID. Bukas ang naturang site mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado.
Ipinaalala naman ng SM Taytay na tanging 18-anyos pataas lamang ang papasukin sa loob ng mall at 390 application lamang ang tatanggapin kung saan first come first serve ang magiging basehan.
Kailangan lang ng mga residenteng ipakita ang appointment slip mula sa Step 1 at siguraduhing sumunod sa itinakdang araw at oras na nakalagay sa schedule. Dapat din nilang dalahin ang mga dokumentong kakailanganin sa pagpaparehistro.
Tignan ang buong listahan ng mga dokumentong tatanggapin
Estrikto ring ipatutupad ang COVID-19 protocols sa site kaya’t pinaaalalahanan ang lahat na magdala ng sariling ballpen at huwag kalilimutang magsuot ng facemask at face shield.
Para sa iba pang mga katanungan, maaaring tawagan ang hotline 1388 o magpadala ng mensahe sa mga sumusunod:
Facebook: https://www.facebook.com/PSAPhilSysOfficial/
Website: www.philsys.gov.ph
Email: [email protected]
More Stories
PNP SPOKESPERSON, REGIONAL DIRECTOR NA
DA: IMPORTED NA BIGAS HANGGANG P58/KG
UKRAINIAN MMA FIGHTER BAGSAK KAY DENICE ZAMBOANGA