SISIKLAB na ang digmaan sa pagitan ng Pilipino at Tsino.
Mabigat ang misyon ng pambato ng Pilipinas na si Mark Palomar na ‘in full -battle gear
na sasagupa kontra Darui Tang ng China pagsapit ng Universal Reality Combat Championship( URCC) Fight Night sa Setyembre 28 sa Octopus Bar ng Kalye Burgos, Makati City
Sa press presentation na idinaos kamakalawa sa Octopus, ang venue ng naturang giyerang MMA ng Pilipinas at China, tiniyak ni Palomar sa kalabang si Tang na isa sa kanila ang babagsak at sandalian lang ang magiging bakbakan
“Isa sa amin ang babagsak at malamang ay siya (Tang). Pinaghandaan ko ang labang ito upang patunayan na numero uno ang Pilipinas sa larangan ng combat sports sa Asia,”kumpiyansang wika ni Pinoy Palomar.
Tinapatan naman ni Tang ang naturang banta at kampanteng ipinahayag na siya ang magwawagi, kontra Pinoy na katunggali at masasaksihang bagsak ang kanyang kalaban sa harap ng kababayan.
“It will be a very short fight, my opponent will be knocked out at fight night” sambit ni Tang.
Ang naturang main event ay tatampukan ng undercards nina Jacis Macasinag vs Ezekiel Isidro sa 135 lbs at magpapakitang gilas ang mga prized fighters na sina Gabriel Baguio vs MJ Montealto sa 155, JR Alejandro sa 125 naman sina Marvin Malunes; Ariel Oliveros vs Kenneth Maningat sa 125 ;Dave Valencia at Ferdinand Aquino sa 115 lbs. at Jared Alzeta vs Rocky Vergara s 125.
“Iniimbitahan natin ang lahat ng fight enthisiasts na saksihan ang mga laban for personal glory and beyond… Bakbakan na!” pahayag ni URCC MMA founding president Alvin Aguilar. (DANNY SIMON)
More Stories
DA NAGSAMPA NG KASO VS IMPORTER NG P20.8-M SMUGGLED NA SIBUYAS, CARROTS
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
OCCIDENTAL MINDORO INUGA NG 5.5 MAGNITUDE NA LINDOL