January 25, 2025

PHILIPPINE TAEKWONDO BAKBAKAN NA SA MEXICO

Ang proud Philippine Taekwondo team (mula sa kaliwa) Joseph Chua, Alfritz Arevalo, Baby Jessica Canabal, Laila Delo, team manager Rocky Samson, coach Caloy Padilla at Paul Romero kasama sina head of delegation dating Senator Nikki Coseteng at deputy dating Zambales Congresswoman Cheryl Dolosa sa opening ceremony.

GUADALAJARA, Mexico – Makakatunggali  ng Southeast Asian Games multi-medalist na si Laila Delo ng Pilipinas si Vaness Koerndl ng Germany para simulan ang kampanya ng eight-man SMART/MVP Sports Foundation Philippine Team sa World Taekwondo Championship na opisyal na nagbukas nitong Lunes (Martes sa Manila) sa Centro Acuatico CODE Metropolitano dito.

Nakatakda ang first match ng 21-anyos na si Delo mula sa Unibersidad ng Santo Tomas kontra Koerndl sa women’ -67 kgs class na naka-takda sa Martes (Miyerkules ng gabi sa Maynila).

Sinabi ng team manager at technical head na si Rocky Samson na mabigat ang hamon sa Filipino jins bunsod ng katotohanan na kabilang sa mga kalahok ang mga world rank athletes na pawang naghahabol na makalikom ng puntos para makalusot sa 2024 Paris Olympics.

“Ready naman tayo, pero ready rin ang mga kalaban natin. May advantage pa sila dahil huminto tayo sa pagsali sa abroad dahil sa pandemic habang nagpatuloy pa rin sila. Walang patapon na fighters dito, but I like our chances and I’m firmly believe na makaiwas lang sa injury at masaktan ng todo makaka-survive ang atleta natin going to medal round,” pahayag ni Samson, nagsisilbi ring Secretary General ng Philippine Taekwondo Association (PTA).

Magbibigay ng mga plano at estratehiya sina coach Raul Romero at World Championship veteran Carlos ‘Caloy’ Padilla. Ang pinuno ng delegasyon ay si dating Senador Anna Dominique “Nikki” Coseteng kasama si dating Zambales Congresswoman Cheryl Dolosa Montalla bilang kanyang deputy.

Ang paglahok ng National Team dito ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC).

Pormal na binuksan nitong Linggo ng gabi ang kompetisyon na lalahukan ng 755 fighters mula sa 122 bansa sa isang magarbong seremonya at parada ng mga atleta. Itinampok na palabas ang pagtatanghal ng kilalang Korean Taekwondo Demo Team at Mexico’s National synchronize swimming team.

Ang Tokyo Olympian na si Kurt Bryan Barbosa ang flag-bearer para sa Team Philippines.

Target ng ipinagmamalaki anak ng Bangued, Abra na makabawi mula sa dismayadong kampanya sa 2019 edition y nagnanais na burahin ang kanyang hindi malilimutang tungkulin sa 2019 na edisyon sa Manchester. Ang kanyang first-round draw laban kay Sanoh Lancery ng Republic of Guinea sa men’s -54kgs. ay ang huling kaganapan sa 16 na kategorya na nakatakda sa Biyernes.

“Saka promise ko po sa pamilya ko at kababayan sa Abra na babawi ako dito. Atleast mabigyan ko sila ng kasiyahan after so much pain dahil sa lindol na sumira sa aming bayan lately” sambit ni  Barbosa, unang Filipino taekwondo jin na nakalaro sa  2021pandemic-delayed Olympics mula nang sumabak si Tshomlee Go noong 2008 edition.

Makakasama niyang lalaban sa Biyernes ang SEAG multi-medalist at kasangga sa National University na si Baby Jessica Canabal na makakaharap ang Bulgarian na si Selen Gunduz sa  women’s -53kgs. a

Sasabak naman ang bagito sa World Championship na si Alfritz Arevalo kontra  Alin Ali ng Sweden sa men’s -68kgs first match sa Miyerkoles  (Thursday in Manila), kasunod si SEA Games veteran Dave Cea laban kay Japanese Yasahuro Hamada sa men’s -74kgs sa Huwebes at masusubok si Joseph Chua kay Niko Saarinen ng Finland sa men’s -63kg sa Biyernes.