Kung nagpasya ang Premier Volleyball League (PVL) at Beach Volleyball Republic (BVR) na maging pro, iba naman ang stand ng Philippine SuperLiga (PSL) at MPBL.
Ayon sa Game and Amusements Board (GAB) hindi pa nagpaparamdam ang dalawang liga sa kanila.
Gayunman, bukas ang GAB sa talakayan kaugnay sa stand ng pro at amateur leagues.
“Nasa sa kanila kung gusto nilang maging pro league.”
“Hindi naman sila pinipilit,” saad ng isang insider sa GAB.
Ang PSL ay nasa pangangasiwa ni athletics chief Philip Ella ‘Popoy ‘ Juico. Samantalang ang Maharlika Pilipinas Basketball League ay kay Senator Manny Pacquiao.
“Turning pro may add to the luster [of the PVL], advertising value, longevity and popularity,” pahayag ni GAB Chairman Abraham Mitra.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo