Nagpupulong ang mga miyembro at delegado ng Philippine-Hungary Joint Commission for Economic Cooperation (JCEC) na pinangunahan ni Taguig-Pateros First District Representative Alan Peter Cayetano upang ipinanawagan sa administrayong Duterte na bigyan priyoridad ang paglilinis at rehabilitasyon sa Laguna Lake na pinagkukunan ng hanapbuhay ng ilang milyong Filipino na pinakamalaking lawa sa buong bansa. Kasama sa pagpupulong ang Hungarian Ambassador Titanilla Tòth, Philippine-Hungarian JCEC co-chair Istvàn Jòò, DTI Undersecretary at Philippine-Hungary JCEC co-chair Dr. Ceferino Rodolfo, Water Technology Corporation CEO Adrian Kiss ng Hungary, LLDA General Manager Joey Medina at Laguna First District Rep. Dan Fernandez na nagsagawa din ng site visit sa Mercado del Lago sa lungsod ng Taguig. (DANNY ECITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY